Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

Nasaan ang hustisya?

Category: My Opinion |  Author: MELAI BONDOC CATACUTAN |  Published: 2015-11-30 20:09:08 |  Times Read: 1720

Nasaan ang hustisya? Ginagawa nalang punch line ngayon at tinatawanan nating mga Pilipino. Katulad ng linyang ito na ginagawa nalang biro, ang hustisya sa Pilipinas ay di na ata sineseryoso. 

Sa bansa natin kung saan ang Chief Justice ay na impeach at napatalsik gamit ang paglilitis sa kanya ng lehislatibong sektor. Ang kalihim naman ng departamento ng hustisya na wari ba'y may pansariling gustong abutin naman liban sa pagbibigay ng hustisya ay humahabol ngayon sa pahka senador. Nasaan ang hustisya kung ang mga nagpapatupad nito mismo ay gumagawa ng mga bagay na magbibigay sayo ng tanong na ito.

Mahirap na pagkatiwalaan ang hustisya, parang wala ng takot sa batas at wari bang ang dali nalang gumawa ng krimen. May pinapatay at inaabuso sa sariling pamamahay at bakuran, pinapatay sa katirikan ng araw na marami ang nakakasaksi. Anong kwenta ng mga CCTV camera na imbes na gamit sana sa monitoring ay nagiging saksi nalang at ebidensya sa mga krimen. 

Ang mga kababaihan naman ay wala ng kasiguraduhan s kaligtasan pagkat ang mga umaabuso ay wala na atang takot maging sa Diyos dahil maging mga batang walang muwang ay pinagsasamantalahan at may mga kinikitilan pa ng buhay. Ilang kaso ba ng pang aabuso ang nagaganap sa bansa lamang natin, ilan lang ang nahuhuli at napaparusahan, nasaan ang hustisya doon, kung sana may batas na kayang takutin man lang ang mga kriminal, siguro kahit papaano mababawasan ang krimen sa bansa.

Naiisip ko nga ang death penalty eh, kubg ibabalik yon ay sasang ayon siguro ako basta may kasiguraduhan na walang mapagbibintangan lamang ang mapparusahan ng kamatayan. Isama na din siguro ang mga pinaka corrupt at palamuting mga politiko, sana maibigay ang hustisya at maibigay ang karampatang parusa sa mga nngloloko sa bayan at walang ginawa kung di ibulsa an kaban ng bayan, naway pagbayaran nila ito ng habang buhay na pagkabilanggo. Yun ay kung uusad ang mga kaso na di gaya ngayon na may pinapaburan sa kanila. May naipapakulong gamit ang pag abuso sa kapangyarihan.

Nawa'y makuha parin ang hustisya, pantay pantay din sana ang lahat sa mata ng batas, nawa'y maibigay ang hustisya sa mga karapat dapat na makuha ito.

Comments