Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

Ung ex mong parang utang, gusto mo ng kalimutan

Category: Humor |  Author: MELAI BONDOC CATACUTAN |  Published: 2015-11-27 04:36:10 |  Times Read: 1710

May ex ka na ba, ex boyfriend o ex lover, dating kasintahan o dating kaulayaw. Kung meron ka, edi wow, kumusta naman ung naging relasyon at break-up niyo? Hirap ka bang kalimutan? Dapat kasi sa tubig nilista at di sa puso inukit.

Sa lalamunan guguhit at pait ng alak, lalabas ang kinikimkim kung lasing, kaya ung ex mo buhay nanaman sa bibig mo, parang mantsa ang hirap tanggalin, parang utang naman ito na gusto mong kalimutan. Wala ka ng magagawa kung ganoon, kung fresh ang break-up kahit di mo naman gaanong minahal yan ay dadaan ka padin sa moving on stage lalo kung di ikaw nakipagbreak at wala kang kasalanan, magagalit ang ego mo, kasi sa ganda mong yan sa gwapo mong yan, iniwan ka pa, pinagpalit ka pa sa iba.

Matagal naman pag move on kung minahal mo talaga, yung tipong nangarap ka na na ikasal sa kanya, yung napag usapan niyo pa nga kung kailan at saan niyo gusto ikasal, yung gaano kalaki ang pamilya na gusto niyo. Mapapamura ka nalang sa sakit pag nawala yung tao na minahal mo ng ganoon diba, pero anong magagawa mo, siya pala puro salita lang at wala ka talaga sa mga pangarap niya.

So eto lang maipapayo ko, di ka na NBSB o NGSB kung may ex ka na, daig mo parin ang iba kasi nagka jowa ka na, naranasan mo na ngumawa dahil lang sa iniwan ka nung akala mo minahal ka. Lamang ka na ng luhang inilabas, pero malay naman natin kung yung ibang NBSB o NGSB ay puro MU ang pinagdaanan, mga malabong usapan lang kaya di mabibilang na nagkajowa pero nakabilang na sila ng ka MU gamit daliri sa kamay at paa. Di lang ikaw ang dumaan s stage ng kalimot, feeling may amnesia ka pa para lang kunwari nakalimutan mo na siya. Alalahanin mo, kahit inihambing pa yan sa utang, ang utang wag mo kalimutan at bayaran mo para maka ulit ka. Yung ex mo naman, sige i wash out mo na para open ka na sa bagong pag-ibig.

Mahalin ang sarili ng higit sa jowa, magbilang ng kaibigan at hindi ng ex at ka MU, gawing inspirasyon at wag kunsomisyon, move on din sa ex mong puro sakit sa puso lang binigay sa iyo.

Comments