Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

Bakit masarap ang bawal???

Category: My Opinion |  Author: MELAI BONDOC CATACUTAN |  Published: 2015-11-16 05:07:45 |  Times Read: 3879

Bukang bibig ng mga tao tuwing gagawa ng bagay na alam nilang bawal ngunit ginagawa parin, masarap daw ang bawal. Mahirap daw iwasan kasi nakakatukso, gaya ng pagkain na paborito mo ngunit di nakabubuti sa iyong kalusugan. Alam mong nakakasama pero go lang kasi sa panahong ginagawa mo ito, sumasaya ka kahit alam mong may epekto itong di nakakabubuti na maari mong dalhin sa mahabang panahon.

Sa bawal na pag-ibig, magiging masaya sa mga nakaw na sandali ngunit maaring magbigay sugat na dadalhin ng  panghabang buhay. Tunay na may oras na magiging masaya ka sa bawal kaya ginagawa mo ito at iniisip mo na maari namang walang masamang epekto ito sa iyo or at least hindi agad makaka apekto sayo. Sa totoo lang masarap ang bawal kasi bawal. Ang tao minsan ay mayroon sa sarili niya na gusto niyang maging mas exciting at adventurous ang buhay. Susubukan sa una dahil sa kuryosidad, at sa pagtagal naman ay dahil di na maiwasan dahil sa masarap na pakiramdam na nabbigay nito. 

Mahirap iwaksi ang nakasanayan lalo kung sa sandaling gawin mo ay nagbibigay sayo na pakiramdam na lagi mong gustong maramdaman. Para sa akin ang alam mong mali sa una palang sana ay wag mo nang subukan, kung nagawa mo na at hirap kang umiwas gawi nalang sigurong abala ang sarili at maghanap ng ibang gagawin na nakalilibang na paunti unti ay maglalayo sayo sa bagay na di nakabubuti sayo. Sa huli disiplina parin ang kailangan, mas pahalagahan ang pangmatagalang kalusugan ng isip, puso at kalusugan kaysa sa panandaliang kaligayahan.

 

Comments