Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

Nasaan ang singsing

Category: Entertainment |  Author: MELAI BONDOC CATACUTAN |  Published: 2015-11-11 05:12:00 |  Times Read: 1720

Bente kwatro oras, yan nalang ang oras na binigay ni Lola Nidora kay Alden para paghahanap ng singsing, kung ano ang mangyayari pagkatapos mahanap man o hindi ang singsing si Lola Nidora nalang ang nakakaalam. 

Matatandaan na ang singsing na iyon ay nagpasalin salin daw sa pamilya nina Lola Nidora mula pa sa kanunu-nunuan nila kaya ito ay napakahalaga. Nakuha ni Alden ang singsing noong Ika-24 ng Oktubre ngayong taon sa katatakutan episode ng kalyeserye nawala naman ang singsing noong nakaraang sabado noong nagtanghal ang ALDUB sa gaya gaya pa more portion ng Eat Bulaga bilang penomenal na loveteam noong panahon nila ang Gay and Pip.

Sa pagkawala ng singsing nagalit si Lola Nidora at nalungkot ang ALDUB, ilang araw na naghahanap si Alden ngunit wala parin kaya nagbigay na ng palugit si Lola Nidora. Ano kaya ang mangyayari mamaya sa kaleserye, mahanap na kaya ang singsing, kung di mahanap ang singsing, muli na kayang tutulan ni Lola Nidora ang ALDUB? Abangan mamaya kung ano ang susunod na magaganap sa kalyeserye.

Comments