Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! facebook Read what matters to you.

Kaibigan o Ka-ibigan

Category: Experience |  Author: MELAI BONDOC CATACUTAN |  Published: 2015-11-10 22:54:55 |  Times Read: 2582

Masakit isipin na nagmamahal ka ng tao na alam mong sa simula palang ay off limits na, tama, pag nasa friendzone kayo, off limits talaga, kung gusto mo maglevel up ang meron kayo kailangan mong ipusta kung ano ang meron kayo sa ngayon. Sa isang sugal may nananalo may natatalo, at sa laro ng pag-ibig maaaring makuha mo ang lahat o maaaring mawala ang lahat. Ang laro ng pag-ibig ay komplikado, maari nitong sirain ang pundasyon ng pagkakaibigan na matagal mo nang iningatan. 

May mga pag-iibigang nagsisimula sa pagkakaibigan, ngunit nagtatapos nang walang matitira ni pagkakaibigang unang iningatan. Meron din naming relasyong nagtatapos sa pagiging magkaibigan na lamang. May mga pagkakakaibigan ding nanatili sa kabila ng pag-iibigang nabuo sa loob nito. Tama may nagkatuluyan na nanatili parin sa friendzone, dahil wala namang batas na nagsasabing di mo pwedeng maging magkaibigan at magkasintahan ng sabay diba, ngunit mahirap panatilihin ang pagkakaibigan kung kinakain ka na ng pag-ibig na meron ka para sa kanya.

May napanood ako na Taiwanese series matagal na yon eh, ang title "in time with you". Naging bestfriends sila, natakot umamin sa isa't-isa, dream guy ng babae ang lalake at matagal na may gusto ang lalaki sa babae pero dahil sa takot di sila sumugal noong una. Madami sila napasok na relasyon umabot na nasa 30's na sila, muntik na ikasal sa iba ang babae pero sa dulo sila ang nagkatuluyan, walang ligawan o kung ano pa man, bigla lang silang sabay na sumugal, naging mag asawa sila at sa tuwing magkaka away mag asawa sila, aayusin nila yon bilang magkaibigan, magkaaway sila bilang mag asawa pero naghihingian ng payo. Nakakatawa pero posible parin naman yon, basta maniwala ka lang at magiging posible ang lahat sa pag-ibig. 

Comments