Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

ALDUB tuloy kaya ang performance?

Category: Entertainment |  Author: MELAI BONDOC CATACUTAN |  Published: 2015-11-07 06:51:24 |  Times Read: 1536

Paano na kaya ang ALDUB at ALDUB NATION ngayong araw? Sabado ngayon at nasanay na tayo sa pasabog ng Eat Bulaga para sa ALDUB NATION tuwing sabado. Maaalala na pinayagan ni Lola Nidora sina at yaya na sumali sa Bulaga pa more gaya gaya pa more, ngunit sa pagdating ni Tiya bebeng kinailangan ng ALDUB na muling humingi ng permiso kay Tiya Bebeng at sa dulo ay pinayagan din naman sila.

Kahapon nagbalik si Lola Nidora sa pagiging masungit, ito ay dahil nilaglag daw siya ng mga kapatid kay Tiya Bebeng, ang ending ay nagbago ang isip niya at ayaw na pasalihin sina Yaya at Alden pero nagbigay padin siya maaring mangyari ngayong sabado. 

Matuloy nga kaya ang performance ng ALDUB? Kung matutuloy, sino kaya ang gagayahin nila, Barbie and Ken, Gay and Pip o Miley and Justine, abang nalang tayo lahat kasi sila lang ang nakakaalam, sanay na tayo mag abang so enjoy the show nalang.

Comments