Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

Kathniel,Jadine,Lizquenn

Category: Entertainment |  Author: MELAI BONDOC CATACUTAN |  Published: 2015-11-04 06:22:29 |  Times Read: 1508

Kilala ang ABS-CBN ngayon sa mga bigating love teams nila. Para sa henerasyon ng mga kabataang manonood na labis kung sumuporta mayroong tatlong love teams na talaganamang minamahal ng mga fans nila. Ang Kathniel na ilang taon ng namamayagpa, ang Jadine na nagsimula sa Pelikulang Diary ng Panget na sikat sa Wattpad, at ang Lizquen na nagsimula at sumikat sa Forevermore na minahal ng maraming manood sa bansa hanggang sa ibang bansa. Battlecry nga ng mga fans nila, sila ang number 1 love team, un nga lang tatlo sila, so sino ang number 1?

Kung ako ang tatanungin, di naman dapat big deal yun, di na dapat issue yun dahil nasa iisang network lang naman sila, lahat naman sila nasa ABS-CBN. Bakit pa sila ipinagkukumpara kung lahat naman ay nabibigyan ng shows na pwedeng supotahan ng mga fans nila. Kung ako ang fan nila eenjoyin ko nalang shows nila.

Sa ngayon laha ng tatlong loveteam trending ngayon. Ang Kathniel may remake ng Pangako sa Iyo na nagrerate naman ng maganda, may On the Wings of Love naman ang Jadine na napakaganda ng nakukuhang feedback at maganda rin ang binibigay na suporta ng network at mainit na mainit ang pagtanggap ng mga viewers, ang Lizquen naman ay may movie na ang Everyday I Love You na certified box office na nga ngayon. Kung pagbabasehan ang mga ito, masasabi na successful lahat ng projects nila sa kasalukuyan at dahil ito sa mga fans nila na todo sumuporta.

Siguro kung magkakaisa lahat ng fans ng tatlong power loveteams na ito, siguro ang laks nila, siguro di sila tinalo ng Aldub, ang lakas naman talaga ng hatak nila, kung di lng magiging affected ang ABS-CBN at fans sa Aldub fever, siguro di ganoon kalakas magparamdam ang Aldub Nation. 

Fans ang life line ng mga celebrity kung walang susuporta sakanila wala din sila, pero maari ding masira sila dahil sa mga fans nila, kaya marapat suportahan nalang ang idolo kaysa i bash ang iba lalo na kung magkakasama sa isang network ang mga idolo nila kasi ang idolo din nila ang mahihirapan.

 

Comments