Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

Hugot pa more

Category: My Opinion |  Author: MELAI BONDOC CATACUTAN |  Published: 2015-11-02 06:30:40 |  Times Read: 3953

 

Nauuso ang hugot, lahat nalang hinuhugutan, ultimo patay na kuko, lantang halaman, kabayong patay, pati na siguro araw ng kalayaan. nakakatawa, only in the Philippines siguro, sa lugar na taon taon binabagyo maging ang bagyo at baha ay hinuhugutan narin.

Napakamalikhain talaga ng mga Pilipino, mga usong memes na mabilis kumalat, hugot pa more, pick up lines, walang tatalo sigurado. Sa panahon na nalulungkot, naaasar, natatakot, may babanat ng hugot at may magpapatawa. Yun siguro dahilan kung bakit sa buong mundo sikat ang nga Pilipino sa pagiging masayahin. Sa kabila ng mga kalamidad at sigalot na dinaranas, patuloy paring bumabangon at ngumingiti para harapin ang bukas.

"Tara na't pumunta sa simenteryo, para ipagtirik ng kandila ang puso kong patay na patay sa iyo"

"Ako'y kaluluwang ligaw, hinahanap ang daan patungo sa puso kong sugatan na nilibing ko nung ako'y iyong iniwan."

Hopeless romantic at ampalaya sama mo na mga bolero, hugot dito hugot doon ganyan naman sa larangan ng pag-ibig, lahat irelate mo sa lovelife mong makulay man o kailangan nang ipagtirik ng kandila.

 

 

Comments