Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

Di malaman

Category: Be Inspired |  Author: JB Llanda |  Published: 2019-06-06 18:33:32 |  Times Read: 46

Medyo personal itong isusulat ko ngayon. Bahala na kung saan ito mapunta. Kamakailan kasi para akong wala sa sarili ko. Yung tipong para lang akong zombie. Kumikilos pero parang wala akong buhay.

Ayoko ng ganitong pakiramdam. Lahat tuloy ng pwede ko paglibangan ginagawa ko. Lahat ng pwede ko rin kainin at puntahan. In short, pinipilit libangin ang sarili.

Di ko na talaga malaman kung ano ba talaga ang rason ng lahat ng bagay na ginagawa ko. Yung tipong ginagawa ko na lang ang isang bagay kasi kailangan eh. Pero kamakailan pinipilit ko na lang masyado ang sarili ko.

Umaabot na sa punto na masmadalas na ako magkamali siguro dahil pilit na lang ang lahat.

Siguro kailangan ko lang magpahinga muna kahit saglit.

Nakakapagod na talaga lalo na kung pasan mo halos lahat ng bagay.

Pero tuloy lang ang buhay. Kailangan magsikap para sa mga mahal sa buhay!

Comments