Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

Pagbabago! May nagbago ba?

Category: My Opinion |  Author: JB Llanda |  Published: 2019-04-19 20:33:50 |  Times Read: 59

Ilang dekada na din akong buhay sa mundong ibabaw at ilang beses ko na naririnig ang kagustuhan ng nakararami na pagbabago. Minsan nga nakakasawa na eh.

Minsan natatanong ko sa sarili ko, ano ba talaga ang totoong pagbabago? Ito ba ang paghahangad ng magandang buhay, o masmagandang serbisyo mula sa gobyerno? O, baka may iba pa.

Sa totoo lang, madami na ang nagbago sa paligid simula noon. Hindi ko nga lang masabi kung maganda ba lahat ng pagbabago na naganap. Nasa atin naman kasi kung paano natin tatanggapin ang pagbabago eh.

Naghahanap ka ba ng pagbabago? Pagbabago saan? Gusto mo ba ng masmagandang buhay? Yung tipong magkaroon ng masmagandang oportunidad at makapagbigay ng masmagandang buhay sa pamilya?

Kung hanap mo ang mga bagay na iyan, masmaganda siguro kung magsimula tayo sa sarili natin. Wala naman kasi magbabago kung hindi mo babaguhin ang sarili natin eh. Tulad ng magandang oportunidad, tingin ka sa paligid mo, magugulat ka na lang sa dami ng mga bagay na pwede mo gawin.

Pero, hindi ko rin makakaila na may mga taong hindi talaga makakita ng magandang oportunidad sa kadahilanang hindi nila kontrol. Ano-ano nga ba ang mga bagay na hindi nila makontrol? O, baka naman hindi lang sila mabigyan ng pagkakataon?

Sa totoo lang hindi ko alam kung saan patungo itong sinusulat ko ngayon. Bigla lang naglaro ang isipan ko.

Okay, ituloy na lang natin ito.

Punta tayo kaya na lang natin kontrolin, tulad ng sarili nating buhay.

Kung hanap mo ay maginhawang buhay, pwede mo ito makuha sa tamang pagsisikap lang. Kung kailangan mo gumapang para lang makuha ang maginhawang buhay, gawin mo.

Sa simula siguro mahihirapan ka pero masasanay ka rin eh. Hanggang sa hindi mo namamalayan gumiginhawa na pala ang buhay mo kahit papaano. Hindi ba pagbabago yun?

Ang pinupunto ko lang ay dapat sa sarili natin magsimula ang pagbabago. Hindi mo na ito kailangan hanapin pa sa iba, pero hindi ibig sabihin ay hindi mo sila pwede tulungan magbago rin.

Yun lang, bow!

Comments