Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

Muni-muni

Category: Literature |  Author: JB Llanda |  Published: 2019-02-08 19:26:32 |  Times Read: 160

Minsan talaga kahit anong gawin mo, hindo mo na alam kung may pinatutunguhan ba talaga ang mga ginagawa mo.

Simula pa lang bigat agad ng hugot no?

Pero, real talk yan. Dumadating yata talaga sa buhay natin na minsan pakiramdam mo hindi mo na alam kung nay nangyayari ba talaga o wala. Yung tipong buhay ka, pero di mo dama. Yung tipong, kumikilos ka naman pero parang walang natatapos.

Madalas pakiramdam mo pagod ka, kahit sa totoo, kakagising mo lang at kakasimula pa lang ng araw mo. Yung para bang ayaw mo na bumangon tuloy. Siguro, para sa iba nag-iinarte ka lang. Wala eh, ganun talaga. Huwag mo na asahan na maintindihan ka ng lahat.

Madalas, pinipilit na lang ngumiti, naghahanap ng masarap na makakain kung saan-saan para lang kahit papaano gumaan ang nararamdaman. Okay lang kahit walang kasama kumain, basta masarapan lang ang panlasa.

Nakaka-relate ka ba?

Hirap talaga kapag buong buhay mo, para sa iba ang mga pinangarap mo. Tapos, sa huli bigla mo na lang naisip, "Sana pala kaligayahan mo na lang ang inuna mo."

Comments