Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

Nakabuntis po ako

Category: My Opinion |  Author: JB Llanda |  Published: 2019-01-28 14:02:43 |  Times Read: 197

Oops! Curious ka ba? Haha. Ano kaya ang iniisip mo ngayon nang mabasa mo yung title? Click ka siguro agad sa link. Haha.

Unang-una, hindi po ako nakabuntis ha. Naisipan ko lang na ito ang topic ko ngayon.

Okay simulan ko na.

Nay, tay, nakabuntis po ako. Isa siguro ito sa pinakanakakagulat na linya na maririnig ng isang magulang galing sa kanilang anak na lalaki, lalo na kapag estudyante pa ito. Ikaw kaya may anak na nakabuntis tapos estudyante pa sya? Panic mode ka sigurado.

Sa panahon ngayon parang normal na sa mga kabataan ang i-explore ang mundo ng sex. Mali ba ako? Yun ang tingin ko eh. Well, kahit naman nung medyo bata pa ako, madami na din curious sa sex. Hindi ko maidedeny yun, pero bakit parang masdumami pa ngayon?

Siguro nakaambag na rin ang paglaganap ng internet. Masmadali kasi ngayon maimpluwensyahan ang mga kabataan ngayon, lalo na't lagi sila sa social media at napakadali nilang ma-access ang iba't-ibang websites na may maseselang laman.

Oo, madami na ding parental control features ang mga gadgets ngayon, pero hindi naman lahat ng magulang aware sa mga features na yun eh. Kung baga, nagiging mas-open lalo ang mga kabataan sa iba't-ibang contents sa internet.

Ano nga ba ang pinakamagandang gawin para masmagabayan ang mga bata ngayon? Tingin ko, kausapin lang sila. Pabayaan sila magkwento, at tingin ko din huwag sila bigyan ng rason na mapalayo sa magulang. Pagtuunan ng masmahabang oras ang mga bata para masmagabayan ng tama.

Comments