Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

Kim Domingo reveals more of herself in Q&A video

Category: Entertainment |  Author: JB Llanda |  Published: 2016-11-14 14:37:28 |  Times Read: 5339

Kabilang ang Kapuso actress at “Pantasya ng Bayan” na si Kim Domingo sa mga artistang patuloy ang pag-usbong ng career ngayon.
 
Mula sa pagiging isang viral internet sensation, nagkaroon na ng sariling single si Kim at bumida pa ra sa iba't ibang programa,  tulad na lamang ng “Bubble Gang,” “Juan Happy Love Story,” at marami pang iba.
 
Nakatakda rin siyang gumanap sa upcoming horror-comedy film na “Mang Kepweng Returns” kasama sina Vhong Navarro at Valeen Montenegro.
 
Sa isang espesyal na “Question and Answer” video ng GMA Network, ibinahagi ni Kim ang ilan sa mga bagay na hindi pa alam ng kaniyang maraming tagahanga.
 
Isa na rito ang kaniyang dream role.
 
Aniya, “Gusto ko 'yung parang mala-Princess Sarah. 'Yung inaapi. Heavy drama. Gusto kong lang ma-experience. Ang image ko kasi ngayon ay pa-sexy, kaya gusto ko namang mapunta sa ganoong level.”
 
Sinagot rin ni Kim ang tanong na “Who is your crush?” at hindi nga ito isang local celebrity.
 
“Zayn Malik. Mahilig ako sa mga lalaking medyo bad boy ang hitsura. Mas naa-attract ako sa mga lalaking may tattoo, pero depende kung saan nakalagay ang tattoo. Hindi naman dapat buong katawan, may tattoo,” paliwanag ng Kapuso star.
 
 
Kabilang rin sa mga ibinahagi niya ang kaniyang role models, ang paborito niyang genre, ang kaniyang fitness regime, at ang kaniyang food cravings.
 
Bago magtapos ang video, inamin rin ni Kim ang tatlong bagay na pinakamahalaga sa kaniya, pati na ang paborito niyang damit pangtulog—na inilarawan niya pa bilang “relaxed.”
 
Panoorin ang “Q&A with Kim Domingo” at kilalanin ang isa sa itinuturing na fastest-rising stars ng industriya ngayon. Bianca Rose Dabu/DVM, GMA News

Source: http://www.gmanetwork.com/news/story/588704/showbiz/kim-domingo-reveals-more-of-herself-in-q-amp-a-video

 

Comments