Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

Wala nang ikaw sa tayo

Category: Literature |  Author: Edrick Sabala Carlos |  Published: 2020-09-22 17:38:44 |  Times Read: 128

Wala nang Ikaw sa Tayo

By Ghost Erick and AyaChiielle

 

 

Ang sarap balik-balikan ang mga ala-ala

Ala-Ala noong tayong dalawa ay magkasama

Ala-ala noong tayong dalawa ay masaya

Ala-ala nung tayo pa

Ala-ala noong mahal pa natin ang isa't isa

 

Yung tipong ako'y sayo at ikaw ay akin

Yun ang binubulong mo sa mga bituin

Kasayabay ng pangako mong ako lang iyong mamahalin

Na hindi mo ko sasaktan at papaiyakin

Na hinaharap nating dalawa ang tangi mong iisipin

 

Mahal kita at mahal mo ako

Ang sarap isiping may tayo

Pero ngayon ang lahat ay nagbago

Pagibig mo saki'y bigla na lang naglaho

Nawala ang pagmamahalang minsan na nating binuo

 

Tayo pa pero parang hindi na

Alam kong gusto mo nang umalis pero hindi mo ginawa

Dahil sa pagrespeto mo sakin kaya nanatili ka pa

Sana bumitaw kana para hindi na ako umasa

Umasang may babalikan pa kung amo meron sa ating dalawa

Pero mukhang wala ng pag-asa 

 

Nasaan na ang iyong mga pangako?

Pangakong ako lang ang para sayo

Pangako na tayo lang hanggang sa dulo

Kaya eto ako umasa na hanggang dulo'y merong tayo

Pero eto ako nabigo

 

Ang mga pangakong akala ko magkakatotoo

Ang mga pangakong napako

Kaya oras na para putulin na ang lahat ng ito

Dahil malinaw na sa akin na wala nang ikaw sa tayo

Kaya oras na para lumakad papalayo

Comments