Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

First Job

Category: My Opinion |  Author: Buhay Programmer |  Published: 2019-06-04 09:51:16 |  Times Read: 50

1. Yes! May trabaho na ako at unang araw ko ngayon!

 

2. Oo excited talaga ako nun! Yung tipong abot hanggang tenga ang ngiti ko.

 

3. Pagdating sa papasukan kong trabaho, “Good morning, I’m here for my first day of work.” Wow todo english na iyon ha. Hahaha! “For what position and who is your contact person sir?”, tanong naman sakin ng receptionist. Sabi ko, “I’m looking for Mr. / Ms. __________.” Sa totoo lang nalimutan ko na pangalan. Okay na yan!

 

4. Okay na, pinaupo ako sa isang tabi. Dami din yata applicants pa nuon. Yun pala, BPO pala ang napasukan ko! Di ko pa din alam kung ano ang BPO nun. Inosente pa ako sa maraming bagay nun eh, bakit ba!?

 

5. “Sir, andyan na po yung hinahanap nyo.”, sabi sa akin ng receptionist. Nag-thank you naman ako. Tapos sumunod ako sa contact person ko. Pinakilala niya ako sa mga iba pang empleyado at sa mga boss. Tapos pinaupo ako sa isang desk na may computer. “Excitinggggg!!!”, naisip ko.

 

6. Ayun, ilang araw din yata ako na walang ginawa nuon, kasi yun pala, hindi fulltime ang senior ko at madalang lang pumunta sa opisina, kaya hinintay ko pa para ma-orient ako. Ang excitement nahaluan ng pagkainip.

 

7. Oops! Nalimutan ko pala ikwento ang kung paano ko nahanap ang work ko. Pumunta pala ako sa isang job fair at dun ko nalaman ang tungkol sa kumpanya. Sorry ha, excited eh, first job eh!

Comments