Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

Graduation

Category: My Opinion |  Author: Buhay Programmer |  Published: 2019-06-04 09:49:58 |  Times Read: 158

1. “Sa wakas!”, Sigaw ko sa aking isip.

 

2. Natapos din ang apat na taon na paggala, pag-inom kasama ang barkada, paglalaro ng computer games at pakikipag-date, este pagsusunog ko ng kilay, apat na taon na halos walang tulog sa kakaaral, kakagawa ng mga homeworks, at kung anu-anong projects.

 

3. Naaalala ko pa yung araw na nagtapos ako sa pag-aaral ko sa kolehiyo. Iba’t ibang emosyon ang naramdaman ko nuon. Aba, madami kayang beses na di ako sigurado kung makaka-enrol ba ako sa susunod na semestre! Pero sa huli, nairaraos din.

 

4. Naiisip ko na rin nuon na, “sa wakas makakapagtrabaho na din ako!” Excited much! Inisip ko pa, maya pagkauwi ng bahay maghahanap na ako online ng mapapasahan ng resume! Oo na excited talaga ako nuon magkawork as programmer. Iyon talaga goal ko eh.

 

5. Siyam na taon na ang nakaraan pero malinaw pa sa isip ko lahat ng pakiramdam ko noon. Mula sa nalalapit na paghihiwalay ng barkada dahil magkakaroon na kami ng kanya-kanyang buhay, hanggang sa madaming posibilidad na pwedeng mangyari sa buhay ko.

 

6. Yung paragraph four, joke lang pala yun, kasi summer grad ako at ang summer grad sa unibersidad na napagtapusan ko ay isinasama sa mga October grads! Haha.. Pero kidding aside, pareho pa rin naman ang naramdaman ko nung makumpleto ko lahat ng units ko. Matapos ang isang buwan, isa na akong Junior Programmer. Hooray!

Comments