Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! Read what matters to you.

Power Inverter

Category: Technology |  Author: Billy John Moreno |  Published: 2012-12-22 10:18:53 |  Times Read: 4898

Naiinis ka na ba kasi nagbabayad ka ng malaki sa kuryente kahit 'yong iba dun ay hindi naman dapat singilin sa'yo?

Kaibigan may suggestion ako na pwedeng makatulong sa'yo para hindi ka na masyado mamroblema. Ito and Power Inverter. Ang Power Inverter ay isang electronic device na nagko-convert ng Direct Current (DC) para maging Alternating Current (AC). Ang Direct Current ay ang uri ng kuryente na dumadaloy sa mga baterya tulad ng baterya ng cellphone, baterya ng flashlight at baterya ng mga sasakyan. Madalas ang mga baterya ay 1.5 - 12 V DC. Ang Alternating Current naman ay ang uri ng kuryente na dumadaloy sa ating mga outlet sa bahay at sa mga establisyemento. Madalas ang dumadaloy sa ating mga outlet ay 220V AC (60Hz frequency). 

Ang kagandahan ng Power Inverter ay makakatipid ka sa babayaran mo sa kuryente lalo na kung ang gingagamit mo lang ay ilaw. Sa ngayon, ang Power Inverters ay sikat na ginagamit sa mga sasakyan sa ibang bansa. Ang supply sa Power Inverter ay galing sa 12V battery ng sasakyan. Kapag meron kang Power Inverter, malayo ang byahe mo at may dala kang laptop, pwede mong magamit ang laptop mo ng tuloy-tuloy dahil may Power Inverter ka na magsisilbing supply ng laptop mo.

Sa ngayon meron akong nakita sa CD-R king na mga Power Inverters. Meron silang tinitinda na 12VDC to 220V 60Hz (100 - 600 Watts) Power Inverters. Ang presyo ay nasa P550 to 1K plus depende sa output power rating. Halimbawa 12V DC to 220V AC (100W) ay mas mura kesa sa 12VDC to 220V AC (600W). Ang output power rating ang basehan kung ilang appliances ang pwede mo paggamitan nung Power Inveter.  

Hindi ko pa nasusubukang itanung sa CD-R King kung pwede bang gamitin na supply ang mga batteries na nabibili natin sa mga tindahan. Hopefully, pwede ang mga yun para pwede rin magamit sa bahay ang Power Inverters.

Dahil sa ideya ng Power Inverter naiisip ko na kung hindi man pwede ang mga battery supply na nabibili natin ngayon sa mga tindahan, naniniwala ako na pwedeng mangyari yun at pagdating ng panahon marami ang tatangkilik sa ideya ng Power Inverter. Lalo na kung habang tumatagal ay tumataas ang binabayaran natin sa kuryente kahit hindi na resonable ang sinisingil sa atin.

 

-billjones

"Get up and get better everyday."

Comments