Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! facebook Read what matters to you.

Ang Pasko ay Sumabit, Tayo ay Nangagsi-ngawit

Category: Be Inspired |  Author: Anonymous  |  Published: 2012-12-07 23:16:12 |  Times Read: 5158

Ayan, December na at oras na para magsabit tayo ng mga parol at Christmas lights sa may bintana, at mangawit sa ilang oras na pagsha-shopping para sa mga mahal nating inaanak (If ever binabasa to ng aking mga Tito at Tita, wish ko po ngayong pasko ay DSLR hahaha). I love Christmas! Malamig at walang pasok!

Alam mo ba na ang mga Pinoy ang may pinakamahabang celebration ng Pasko? Pag ‘ber’ months na eh may ilan nang nagdedecorate ng pang-Christmas sa bahay nila kahit na dadaan pa ang todos los santos. Nakahanda na ang mga parol, malaking medyas, mga kumukutitap na ilaw, gift wrappers, at invisibility cloaks para makapagtago at makatakas sa pag-aaguinaldo. Minsan kahit January na ay hindi pa rin tapos ang celebrations at may mga kainan pa rin.

Kung Pinoy ka ay siguradong damang dama mo ang Christmas spirit. Aba paborito ata ng mga pinoy ang mga salo salo! Ang mga mag-anak ay magsasama sama at nagkakainan ng Hamon, Salad, Leche Flan, Litson, at kung anu ano pa. Meron din dyang simbang gabi tuwing madaling araw para makapagpasalamat ang mga pinoy sa mga biyayang tinanggap nila sa taon tulad ng matataas na grado sa eskwela, mga bagong gadgets, kumikitang kabuhayan, and many many more. Puto bumbong at bibingka naman ang usong tinda para sa mga pauwi na galing ng simbang gabi.

Siyempre uso na rin yung mga carolling, kung saan sa kalagitnaan ng TV patrol ay may bigla na lang may mga bata o matanda na kakanta ng ‘Jingle Bells’ sa tapat ng bahay niyo. Yung iba nagbibigay ng pera na nakasobre pa (pero limampisong buo lang ang laman), yung iba mag-aabot ng barya, yung iba pinapatay lahat ng ilaw sa bahay at hinihintay lang umalis ang mga carollers.

Sa mga eskwelahan at office naman ay siguradong may mga Christmas Party na magaganap at magkakaroon ng exchange gifts, at minsan balewala din ang 13th month pay dahil nauubos lang din sa Pasko, pero no deal naman sa lahat dahil talagang oras ng kasiyahan and buwan ng Disyembre. 

Ihanda na ang mga plano dahil malapit na ang December 25. Ilang weeks na lang at oras na naman para sa Noche Buena at salu salo ng buong pamilya at magbabarkada. Kalimutan mo muna ang mga problema at ituon mo ang isip sa mga kasiyahan na magaganap, dahil araw ng mga Pilipino ang Pasko. Once a year lang naman to eh, kaya medyo ilabas mo na rin ang mga naipon mo at itreat mo ang sarili mo dahil buong taon kang napagod. Magrelax ka at magsaya, yan ang “December Rule.”

Comments