Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! facebook Read what matters to you.

Ang Makabagong Social Media na PassedOn ay nasa Pilipinas na!

Category: Reviews |  Author: Mathew Angelo Vera Ocampo |  Published: 2013-04-29 03:11:23 |  Times Read: 2672

Kamakailan ay napadaanan ng mga mata ko ang isang video na nai-share sa wall ng isang group sa fb kung saan ako ay kasali.  Mga dayuhan ang gumaganap sa video pero nasa Tagalog ang subtitles nito.  Akala ko isang komersyal lang pero nagbigay ito ng link ng isang website kung saan malalaman ang lihim nito. Nang mabasa ko ang mga comment sa wall, nakilala ko ang kababayan nating Pinoy na nagta-trabaho sa PassedOn sa Vietnam na taga-represent ng Pilipinas.  Naghahanap sya ng mga suporta ng mga bloggers upang magsulat ng artikulo tungkol sa PassedOn.

Ang PassedOn pala ay nilikha sa Ho Chi Minh City, Vietnam at ito'y nasa iba't-ibang lenguahe na at syempre kasama ang Tagalog natin.  Ang tagapagtatag nito ay si Marc Oparq at layunin nitong maikalat ang milagrong website sa buong mundo upang pagyamanin natin ang mga ala-ala kasama ang ating mga Mahal sa Buhay. 

Ang konsepto nito ay nakamamangha dahil ito pa lang ang kauna-unahang website na itinatag upang magpahayag ng ating mga eWills (emosyonal Wills) sa ating itatalagang 3 na Mahal sa Buhay.  Napaka-simple lamang ng pagsali at ito'y libre.  Maaari tayong mag-save ng mga litrato, videos at saloobin sa mga Minamahal natin.  Parang facebook din pero ito'y pribado lamang.  Parang digital diary na tayo lang ang may alam.  Napaka-makabuluhan nito dahil parang mayron kang digital na abogado na maaari mong pag-iwanan ng mga saloobin natin, mga bilin natin habang tayo'y buhay pa, mga itinatagong sikreto na tayo lang ang nakakaalam.  Lahat ng ito'y maaaring makarating sa ating mga Minamahal oras na dumating ang tamang petsa na ating itinakda upang ito'y maipa-alam sa kanila.  At ito'y mangyayari lamang kung ang miyembro ay hindi na makontak o sumasagot sa mga ipinadalang email ng PassedOn.  Sa ganitong paraan, magkakaroon ng imbestigasyon upang patunayang sumakabilang buhay na ang miyembro at dito magpapasya ang PassedOn na ipaabot sa 3 guardian ng miyembro ang mga ibinilin nito sa kanyang account.

Dahil dito, siguradong magkakaroon ng kapayaapan ang pumanaw na miyembro dahil alam nyang naipa-abot ang lahat ng kanyang bilin sa mga Mahal nya sa Buhay.  Wala ng magiging unfinished business na karaniwang nangyayari sa mga namatay na tao at kadalasan ay napapanaginipan o nagmumulto dahil may mga hindi natapos na transaksyon o habilin bago mamatay.  Kahit ano ay maaaring isulat sa PassedOn maging ang mga sikreto nating bank accounts, mga investment na 'di alam ng pamilya natin at mga malalalim na sikreto. 

 

Nais kong ibahagi sa inyo ang video na aking nakita habang gumagamit ng facebook.  Ang ating kababayan na si Evangeline Mercado (Concept Manager ng PassedOn Philippines) at kasalukuyang nasa Ho Chi Minh, Vietnam ay malugod na tinatangkilik at ipinapa-kalat ang PassedOn dito sa Pilipinas upang mas maraming tao ang makinabang sa libreng serbisyo na ito at mapahalagahan natin ang masasayang ala-ala na maaari nating i-save at pagyamanin ng mga maiiwan nating Mahal sa Buhay.

 

Upang higit na makilala ang Napakagandang konsepto ng PassedOn. mangyaring bisitahin ang website na ito:  www.passed-on.com o kaya'y mag-email sa media@passed-on.com para sa higit na impormasyon.

 

Comments