Artikulo Ko To!

Anyone can write on Artikulo Ko To!  Start Writing! facebook Read what matters to you.

Marami pa akong kakaining bigas

Category: My Opinion |  Author: Candice O Brillon |  Published: 2012-11-03 01:35:55 |  Times Read: 3461

Abril 17, 2012

4:55 ng hapon

 

Kapag naririning ko na sinasabi ng iba na madali lang magsulat, nasasaktan talagako. Kahit pa sabihin nila na joke lang yun at OA ako mag-react. Sila kaya magsulat ng 1500-3000 na salita na hindi redundant ang mga verb. Isama mo pa ang striktong pagsunod sa subject-verb agreement na kung saan mortal sin ang wrong grammar. Kaming mga writier (ehem), maliban sa technicalities ng pagsusulat, puso at utak ang ginagamit namin. Hindi kami makina, napapagod din kami minsan. Dumadaing kami, nagrereklamo pero di ibig sabihin nun susuko na kami. Para kaming mga masokista, nasasaktan na, sige parin. 

 

Sa ngayon, kung mamarkahan ko ang sarili ko bilang isang writer o manunulat, masasabi kong gutom na gutom pako (hindi sa pagkain) sa mga dapat kopang malaman tungkol sa mundo. pakiramdam ko, kasing galing ko lang yung huli kong naisulat at kailanga ko itong mas higitan pa sa susunod kong artikulo. Kalaban ko yung sarili ko sa madaling salita.

 

Nung unang taon ko sa kolehiyo, sigurado nako sa gusto ko kahit di ko pa alam yung kakaharapin ko. Maraming nakakatawang karanasan ang biyahe ko bilang isang manunulat. Naalala ko dati (at magpahanggang ngayon eto ang eksena)

 

Manong na usisero: Anung course mo iha?

Ako: Journalism po.

Manong: e di magtatrabaho ka sa ABS-CBN. Para ka pa lang si Korina Sanchez, Mel Tiangco,....etc.

 

Eto talaga yung pinaka malupit na joke na narinig ko. Lahat ba ng media students babagsak sa mga giant networks? Oh, come on :)) Thanks manong na usisero. PAti kay Mike Enriquez kinumpara pa nya ko. Excuse me, di ko po feel maging si Mike.

 

Binasag ko ang trip ni manong ng mga sandaling iyon:

 

Ako: ayoko pong maging katulad nila manong....

Manong na USI: e sino ang gusto mong maging?

Ako: Gagawa ako ng pangalan para sa sarili ko :)

 

Malamang, di ako gets ni Manong kasi nga nakakahon na utak nya sa ABS-CBN at GMA. hoho

 

Natatawa din ako kapag kinakahon kaming mga manunulat sa pagsusulat lang o sa dyaryo at magazine lang. Boring daw kami?weh, di nga?

 

Ang Journalism ay ang pinagsama-samang elemento ng print media, public relations, corporate communications, photography, advertising, technical writing, investigative reporting, newspaper and magazine editing, science reporting at marami pa :)

 

Huwag niyo po kami ikahon. Marami pa kaming kayang gawin. Quiet lang kami.

 

Matapos kong gawin ang assigned article para sa may issue ng semi-raket ko ngayon (sa isang Airline Magazine), napag isipan ko na kailangan talaga mas galingan ko pa sa mga susunod na task.

 

Ang mga nagwawagi ay hindi sumusuko.

Alam ko, kaya ko to'. The best ako. The best kaming mga manunulat.

Comments